Luh, nag-uumpisa pa lang ako magsulat medyo teary eyed na ako. Wala pa naman akong balak maiyak ngayong araw na ito Pero gusto kong ibahagi sa inyo ang aming kwento. (Long post alert!) Ito ang aking unica hija, mula baby sya ay saglit ko lang sya makasama. Every payday o kaya pag long weekends lang. Sa Manila kasi ako nagwowork noon, sya dito sa Ilocos kasama ng aking ina. Di ko naman sya mailuwas kasi pagkapanganak ko pa lang kinausap na ng nanay ko si hubby na wag kukunin sa kanya si baby. Dahil solo naman sa bahay si nanay kaya pinagbigyan namin sya. Masakit malayo lalo pag wala sa mood si baby na makipag-usap, may sakit sya pero di ka agad makauwi dahil naka-assign ka sa ibang probinsya. Iyak ako talaga sa byahe, naalala ko pagkabayad ko ng pamasahe kumot na agad ako kasi di ko na mapigilan pagbagsak ng luha ko. Pero kailangan magtiis dahil mahal ang gatas, ang diaper, ang pamasahe at mga kailangan ni baby. Pero nagpandemic, narealize ko ang iksi ng buhay. Isang tama lang ng virus maari ka ng mawala ng sa mundo at ayoko mangyari yun na bitin ako sa panahon na kasama si baby ko. Gusto ko na sa panahon ng pandemic kasama ko sya, mabantayan ko sya at makaipon ng madaming moments kasama sya. Di ako nagdalawang isip nung pinapili ako ng boss ko kung babalik o tanggapin na lang ang retrenchment na inooffer nila. Pinasa-Diyos ko ang desisyon ko at sa awa at gabay nya, nakakaraos naman kami ng aking pamilya. Masaya ako na nakikita ko at kasama ako sa mga milestones ng buhay nya. God is good and He will provide talaga, walang palya. Hanggang dito na lang mga ka-NFSFG and #HappyMothersday2022 sa lahat ng magagandang ina!
5 comments
Happy mother's day, have a blessed Sunday too.
Happy Mother's Day! bbghitte.
Tamang desisyon naman tlga sis lalo ung virus ay tlgang nakakaalarma
Very inspiring ang story mo sis. God will guide us talaga for better decision, He will never ever fail us. I'm happy to hear that story of yours.
Para akong nagbasa ng pocket book sis😂 Happy Mother's day 😍