Hello kaibigan! Kumusta ka naman? Maayos ba ang iyong pakiramdam? Nalalasahan mo pa ba ang iyong ulam? Hay, salamat naman! Grabe ang covid ano Hanggang ngayon di pa tayo nilulubayan Nauubos na yata kaban ng bayan Kaso di na malaman sino ang yumayaman Madaming hikahos, talaga namang nakakalugmok. Pero kapit pa, kapit lang Onti na lang, maniwala tayo dyan Dahil si Lord di tayo kailanman iiwan at papabayaan Di ba ramdam mo naman? Kaya dasal lang tayo kaibigan. Tagal ko ng di nakagawa ng tulang kwentong gaya nito Dahil ewan ko ba Ako'y tinamad o madami lang talagang ginagawa Busy mag-alaga ng mga bata Tuumutulong din sa pagbebenta Sabayan pa ng pag-iingay para makaipon ng dagdag kwarta. Gandang gabi!
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
3 comments
Unfortunately I don't understand it, but sure funny text, hello Dear Po! 👋❤️
Ganda sis🤗 Ok naman sis d2 busy den ang buhay pero laban lang. Matatag at masipag tayong mga Filipino🤗 Salamat sa pagdalaw 🤗
Saludo ako sa iyo mam isa kang tunay na makata👍👍