'Ambon' Umambon sandali Lumamig tuloy lalo ang gabi Kaya mga kasama ko sa bahay ay nakatulog ng mabilis Ako naman ay naiinis Dahil ako na ay naiinggit Antok ay ayaw pa ding dumapo Ang diwa ko ay patuloy pa din sa paglakbay Dahil siguro sa kabusugan Sa dami ng meryenda ngayong araw At di ko na tinignan ulam na inihanda ni nanay. Bat kaya ganun, pag may handa or libreng kainan sabay-sabay Halos di mo na alam ang uunahin dahil mahirap tanggihan Lalo na pag super close mo pa naman na kaibigan Pero pag wala, sabay-sabay din sila. Parang ambon lang talaga Bubuhos tapos bigla ring mawawala Anong connect? Wala lang, gusto ko lang magsulat at magkwento O sya, hanggang dito na lang Gandang gabi mga kaibigan!
No comments yet