Sabado, Ang Saya Ko! Kamusta kayong lahat? Tagalog muna tayo I-share ko lang ang nangyari sa aking Sabado Gabi lang naman nangyari dahil maghapon chill lang sa bahay with family 7pm, nagpunta kami sa Casa Sabi ni Ate may free food daw Victory party ng konsehal na kaibigan nya At napili ang Casa de Comida na maging venue nya Sinagot nya pa ang bayad ng banda Daming pagkain Sayang di ko napicturan May crabs, lasagna, palabok, chicken and lettuce na specialty ni Ate Tapos may wine pa! Di naman ako mahilig mag-inom kaya 2 shot glass lang ako, at Novelino pa kaya wala naman talagang tama Nag-umpisa ng tumugtog ang banda nung dumating kami Halos occupied na din lahat ng tables sa Casa Buti reserved na yung view deck Dun kami pumwesto syempre Sabi ko sa kapatid ko, di muna ako tutulong sa Casa Ako ay manonood at mag-eenjoy muna Buti pumayag naman sya Sarap na ng kain namin Bayaw ko na napapasayaw na sa gitna kasama ng ninong nya Masaya, parang after ng mainit na eleksyon deserved na deserved talaga ang magandang tugtugan, tawanan at kainan Pero may pasurprise si Konsehal Every table binibigyan ng 500 pesos, pandagdag daw sa pang-inom Pero dahil libre na kami at wala nga kaming bill Di na namin tinanggap Pero pinatawag lahat ng staff ng Casa at pinapila Ayun may bonus sila, 500 pesos kada isa Ang saya-saya nila Lalo yung mga hiniram lang na magduty kagabi para dagdag mag-aassist Mga 20 din ang staff na pumila, at nakakaloka dahil pati kapatid ko sumama sa pila! Habang papalalim ang gabi, gumaganda ang tugtugan Ingay ay lumalakas, pati nga loob ay lumalakas na din Dahil kapatid kong babae Umakyat sa stage at nakijam! Una ninenerbiyos pa sya, pero nung pangalawa nakabawi na sya Sabi tuloy ni Yuri kanta din daw ako Sabi ko di pwede inuubo ako Pilit nya pa din ako, sabi nya pagbigyan ko naman daw anak ko Buti saglit lang ang break ng banda at di na ko kinulit pa Padagdag din ng padagdag ang Red Horse na inaabot sa asawa ko Sinasaway na ni Yuri pero nahiya naman tumanggi Kaya si baby, ayun umiyak at ayaw magpatahan Walang nagawa ang kawawang daddy kundi bilisan ang paglagok sabay uwi na kami 9:30 na yun at may mga paparating pang mga grupo Pero mga tao ni Konsi Nakabantay sa may entrance Inaabutan ng 500 kada grupong pumapasok Dagdag pang-inom, yun ang sabi nila Nag-enjoy naman ako sobra Tsaka tyan ko talaga, busog lusog solve Pagkauwi ng bahay bagsak si hubby Si Yuri dumiretso sa mga Barbie Ako naman, nanood ng live video sa Casa Pinsan at lolo kong sobrang lasing na Di na napigilan magsayaw sa gitna Alas dos na ng umaga ng magdatingan mga kapatid ko mula sa Casa Laki naman daw kinita awa ng Diyos Sulit ang pagod at puyat nila Sana magtuloy-tuloy na magandang pasok ng kita nila Para kahit pano makabawi sila. Ayon lang mga kaibigan Mashare ko lang Salamat! Lead image is mine. #originalcontent #bbghitte
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
4 comments
Ganda namn ng sabado sana araw-araw sabado nlng kung ma experience ko yan hahaha
Hahaha, oo nga sis🙂
Mukhang mag enjoy ka talaga dyan ate ah. Sana all nakaka received ng money hahaha. Sarap kapag may ganyang mga tao sa paligid. Heheh.
Hahah, oo nga eh instant 500 din un