read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Mareng Talangka

Uy mareng talangka andyan ka pala Narinig mo ba ang kumakalat na balita Nireport daw sa barangay ang pagpaparenta ng atv nila Aling Sylvia Ang sabi daw, 'yang mga atv dyan akala mo kung sino magpaandar, ang iingay! Kung gusto nila ng pabonggahan, magpapagawa din ako sampung kubo dito sa harapan!' Kaya itong mga pulis sumugod bigla Buti na lang mga atv ay naiuwi na Akala mo tapos na? Aba, aba, aba, hindi pa! Dahil pati pala sa munisipyo yun na ang usapan nila! Hay, buhay nga naman ano Mga tao, kung mainggit ay panalo! Imbes na magtulungan at maging masaya sa kapwa Aba eh nanghihila pa talaga ng pababa Ay sorry Mareng Talangka, ganun pala ang tingin sa'yo ng iba! Nakakalungkot mga naman isipin na may nga ibang tao na di natutuwa pag yung kapwa nila ay nakakatikim ng konting ginhawa. Para bang ang sama-sama na agad ang tingin nila na para bang nauungusan sila at yung dating kaibigan ay ginawa na nilang kakumpetensya. Na ambilis nilang manghusga at magtapon ng masasakit na salita na di man lang inisip kung makakasakit o makakaapak na sila. Na tila ba ilang taong pinagsamahan ay basta na lang nakalimutan at ibinasura. Sa mga ganitong pagkakataon mo talaga tunay na makikilala Mga taong mabilis kang bitawan bigla Mga taong sa isang iglap ay halos di mo na kilala Yung tinatawag na friendship over ba. At dito mo din makikilala Mga taong sa iyo ay tunay na may pagpapahalaga Mga taong solid ang suporta Kahit nasa taas o ibaba ka Mga taong patuloy kang susuportahan ka sa hirap at ginhawa Sa sakit at dusa Lalong lalo na sa panalo at saya. Kaya ikaw Mareng Talangka Wag kang gagaya sa iba ha Naniniwala ako na ikaw ay totoong kaibigan ko Sana ay di ka magbago Hanggang sa ang 1BCH ay ating mabuo. ...^•°... Kaibigan salamat sa iyong pagdalaw Pasensya ka na at tinagalog ko Mas nailalabas ko kasi ang nasa loob ko pag tagalog ang gamit ko Nasaktan lang kasi ako sa narinig ko sa dagat kanina Na sa ganda ng panahon ay ganun naman kasama ang nasagap namin balita Pero wag kang mag-alala dahil ako'y okay na Ikakain at itutulog ko lang to mamaya. Hanggang sa muli at magandang tanghali! Lead image is mine. #originalcontent #readcash

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.