Si Betty Tagalog muna tayo mga kaibigan Nauubos na kasi English ko😁. ...^•°... Meron akong bagong kwento Naisip ko habang ako ay nakaupo Bigla na lang pumasok ito Pagkatingin ko sa halaman ko Kaya ito na, go! Ito ay si Betty Masipag na ale May dalawang anak, babae at lalake Asawa nito ay konduktor sa bus byaheng norte Sya ang bunso sa apat na magkakapatid Lumaki sya sa iniiwasan ng mga kaklase Dahil sa trabaho ng nanay nya Na di pangkaraniwan Oo, kakaiba Maaga itong umaalis sa kanilang bahay Posturang-postura Maganda ang damit, ang bag tila ba mamahalin Mga alahas na suot, ay talaga naman ang kinang ay di mawari Para di sya halata Pag sakaling didikit na sya sa kanyang biktima Nahulaan mo ba? Yap, tama! Ang nanay ni Betty ay magna Magnanakaw o mandurukot Magaling ito manghablot Di mahahalata ng kahit sino nitong mabiktima At yun ang nakagisnan ni Betty na kinabubuhay nila Di sya natutuwa, sila ng mga kapatid Kaya nung sila ay may-isip na Nagsikap silang magkakapatid Na di matulad sa trabaho ng ina Nag-aral ng mabuti Hanggang sa mga buhay nila ay mapabuti Ang panganay nila, nakaswerteng nakapag-asawa at nakuha sya sa Hawaii Ang sumunod naman naging nurse Sumubok mag-abroad At sa awa ng Diyos, nakarating ng Saudi Gumagawa ng sariling pangalan At pinatayuan ang nanay nila ng sariling tindahan Sa kasamaang palad, ang nag-iisa nilang kapatid na lalaki Nadisgrasya nung college na sya Natumba ang motor na nasakyan nya At nabunggo sya, namatay ng maaga Si Aiza, nakapag-asawa ng highschool pa sya Pero nagnegosyo sya Buy and sell, dry goods at iba pa Na kahit may reunion sila May dala-dala syang paninda Opportunity ika nga Lahat ng raket sinusubok nya Wag lang sya pumasok sa dating trabaho ng ina Awa ng Diyos, nakakaraos naman sila Anak nyang panganay ay magka-college na Habang ang bunso ay nasa grade 7 na. ...^•°... May mga bagay na di na natin kayang icontrol pero madami tayong paraan para di magaya dito, makaiwas at mabago Kaya ikaw kaibigan, ang kapalaran mo ay di ididikta ng magulang o ng ibang tao sa paligid mo Alam mo na kung ano ang tama sa hindi Ikaw ang kapitan ng sarili mong barko Kung magkamali ka Matuto kang bumangon at itama ito Wag ka na lang basta mamintang at susuko Kung kaya ni Betty umiwas at baguhin abg takbo ng buhay nito Kaya mo din, kayang-kaya! O sya, hanggang dito na muna At mag-iingay muna ako da kabila🙂. ...^•°... Lead image is from Unsplash. #originalcontent #bbghitte
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
Dahil sa kahirapan may mga tao talagang kumakapit sa ganyang kabuhayan, alam natin ang tama't mali, wag tayong mahiya daw kung ipinanganak tayong mahirap, kasi kaya natin baguhin takbo ng buhay natin sa tulong ng sikap at tiyaga, mahiya lang tayo daw oag namamatay tayong mahirap hihi. Ang hirap naman hahah
Ang ganda nung kwento. Parang yan ung mga nasa kanta ni Glock 9 ehhh. Tama yan, wag ng ipasa sa next generation ung ganyang ugali.