San Patungo Sa lawak ng daang kailangang tahakin Di alam san dadalhin Ng mga paang gala Saan ka nga ba papunta? Nalilito, nalilito Paano, paano? Bawal tumigil sabi ng isa Pahinga muna sagot ng kabila Pero di pa din malinaw talaga Paroon, parito Naunahan na tuloy ni ano Pero ayos lang, kalma lang Di naman sa pagmamadali Pero mahirap kasing magkamali Pero sa bagal, akala tuloy ng madami Chill chill ka lang pare Di nila alam, may pilit kang nilulusutan Gusot na kung kailan maayos ay di mo alam Parang bang tali na nakapulupot sa daan Na kung di ka matyagang ayusin ay baka putulin mo na lang O kaya sumuko na lang Pero hindi Hindi pagsuko ang solusyon dyan Pwede kang humingi ng tulong kung kailangan Para patutunguhan ay iyong marating At ang pagod, puyat at pighati ay magantimpalaan Sabi nga nila 'Kung may tyaga, may nilaga' Kaya laban lang, lakad lang Pwede ngang tumakbo kung kailangan Wag lang tumakbong papalayo Papalayo sa pangarap mo Dahil mahirap ng mag-umpisa ulit Ang kailangang gawin ay kumapit Kumapit sa pangarap at sa Diyos na sa'yo ay umiibig Tiwala sa sarili at sa Kanya Yan ang pahiwatig Ng mga sa daan ay bumabalakid Kaya okay lang magpahinga Okay lang tumigil muna Basta ito ay pansamantala Para makahugot ka ng lakas Nang sa gayon ay maipagpatuloy mo na Ang naumpisahang laban Laban patungo sa daan Na kung saan Ang rurok ng tagumpay Sa iyo ay nag-aantay🙂. ...^•°... Lead image is from Unsplash. #originalcontent #bbghitte
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet