Luha Pumatak ang madaming luha Tampo, sakit at hinagpis Dulot ng mga pangyayari Sobrang masakit Kahit anong sabihin Payo, babala, mahinahon at masakit na salita Wari di naririnig Di natitinag Daig pa ang kawayan Pag malakas ang hangin tila ba mabubuwal Pero iba ka Ang tigas mo, ang tigas ng puso mo Pano mo nagagawa Di ko masagot talaga Ikaw na ay talagang nag-iba Lintik na pag-ibig sabi nga ng kanta Sabihin mo ng madamot, istrikto at masama Ang importante mabigyan ka ng payo at babala Dahil mahirap magsisi sa huli Lalo pa kung buhay ay di na mababawi Kaya dasal sa Diyos palagi Pusong mapagmahal, mapagpakumbaba Pusong marunong makinig di lang sa isip kundi pati sa bulong ng damdamin Na sana wag balutin ng kung ano pa At makitang malinaw Na ang tunay na nagmamahal at nagmamalasakit Walang iba kundi ang pamilya. Mahirap, nakakatakot Pero mas mabuti ng magkasakitan ngayon Kaysa may mangyaring di na maibabalik ng panahon Okay lang lumuha kung kapalit naman ay kaligtasan at kapanatagan ng isip at puso ng pamilya. ...^•°... #originalcontent #bbghitte
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet