read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Akyat-baba Akyat baba sa aming hagdanan Minsan paikot-ikot sa iba't ibang sulok Habol, saway at inaaliw mga bata Kakaibang ingay, minsan masaya minsan ay hindi na Nakakaubos ng enerhiya Pero ganun talaga, mga bata sila Kailangan ng matinding pang-unawa Na ang gusto lang nila ay maging masaya at ienjoy ang kanilang pagkabata. Ayoko ng maging malungkot sa artikulo kong ito Sa noise ay napost ko na kahit pano Gusto ko na lang ilaan ito para maging positibo Dahil nakausap ko na ang kapatid ko Sabi nya bumubuti naman lagay ni baby Ay sya na nagtest ng positive sa covid ay di naman daw binigyan ng gamot Parang wala lang naman daw kaya self-medication sya; vitamins, fruits at iba pa Kaya bawal ng magmukmok Ibigay na natin yun sa mga lamok O kaya dun sa mga nang-aamok Smile lang at bukas makalawa okay na ang lahat Dahil yun naman talaga ang ating dasal araw-araw, may covid o wala. Mabalik tayo sa akyat-baba Dahil yun ang peg namin mula pa kaninang umaga Nakakapagod din pero bakit sa mga bata parang wala Di ko na talaga maitatanggi, ako ay tumatanda na Pero lavarn lang, dahil dun sila masaya Laro dito, kalat doon Tawanan dito, iyakan doon Kain dito, tulog doon Ganyan umikot ang araw namin Masayang nakakapagod at nakakagutom din pala Di ko na nga pinansin na tila ba ang sinat ko kanina ay nagbabadya Dahil pag sinabi nilang baba, wala akong magagawa Pag gusto nilang umakyat ay agad ko na lang pinagbibigyan para bawas iyakan. Nakakaaliw naman din silang pagmasdan Parang mga anghel na ang aamo ng mga mukha Lalo ngayon sila ay nagsitulog na At ako ay naiwang dilat pa Nagpupumilit makatapos ng isang artikulo sana Pero di ko na hahabaan Gusto ko na ding magpahinga ng maaga Dahil kailangan ko ng maraming enerhiya para masabayan ang mga batang aking mga kasama. ...^•°... Hanggang dito na lang at salamat kaibigan at ikaw ay napadaan. Maging safe palagi! ...^•°... Lead image is from Unsplash. #originalcontent

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.