read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Masaya ako!

Masaya ako Dahil ang Diyos totoo sa Kanyang pangako Di pababayaan, di iiwanan Di kakalimutan, di tatalikuran Bagkus pakamamahalin At forever kakalingain. Ramdam mo ba Siya sa iyong buhay? O minsan sabi mo ay di naman Siya totoo Ay kinalimutan na Niya ako O di naman kaya wala naman nangyayari kahit anong dasal ko Pareho lang nangyayari kamo Magdasal o hindi, walang pagbabago. Pero di mo ba napapansin Na kahit di tayo consistent Madalas pa nga di natin sya pinapansin Busy kasi tayo sa mga sariling buhay at pangarap natin Di Niya pa din tayo iniiwan Binibigyan pa din tayo ng buhay at lakas Na sa kabila ng lahat Siya pa din ay ating kaagapay at kaakibat. Alam mo ba si Pedro Dati di sya madasalin Lagi na lang busy magtrabaho at magpayaman Inuuna kasi punuuin laman ng bangko Invest dito, raket doon Hanggang sa magkasakit ito Kasama ang kanyang unico hijo Tinamaan ng covid ang mag-amang ito Nalugmok sya, di nya alam anong gagawin Araw-araw nag-aabang ng text o tawag Mula sa nurse at doctor na nakabantay sa kanila Halos mabaliw sya kasi sitwasyon ng anak nya ay tila daw ba lumalala Pero isang gabi may pumasok na isang lalaki Sabi sya ang naka-duty at kung may kailangan wag mag-atubili Doon napahagulhol si Pedro Bigat ng pasanin ay tila ba kumawala bigla At di na nga kinayang pigilin pa Nasabi nya, hijo pakitignan naman ang anak ko At pwede bang samahan mo akong magdasal Dahil ako'y nahihiya na sa aking mga nagawa Ako'y nakalimot at nagpabaya Sa kagustuhan kong kumita ng kumita Di ko na namalayan pamilya ko pala ay nagdurusa na Ngumit ang nurse at biglang sa bulsa ay kinuha Kuya, aniya Sabay abot sa rosaryo nya Magdasal ka at magtiwala Inaantay ka Nya noon pa Hanggang sa kinabukasan Si Pedro ay nakatanggap ng isang sorpresa Sabi sa text ng doctor nila Kuya, magaling na anak mo na syang iuwi. Tunay nga kaibigan Na mga ganitong kwento ay talaga namang makabuluban Kapupulutan ng aral na dapat nating isapuso at isabuhay Na dapat maging masaya tayo kahit pa magkakasunod ang problema Dahil kasama naman talaga iyon ano ka ba Kaya kaibigan pakisabi MASAYA AKO! ...^•°... Lead image is mine. #originalcontent

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.