read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Politika nga naman... Hello mga kaibigan, Nag-marites ako kanina At ito ang aking nasagap na mga chika Itong isang politiko Bata pa kami sya na ang naririnig ko Sya nga din aming binoboto Dahil tiga-samin at kilala ng tatay ko May resort pa nga sila dito lang sa likod ng bahay namin Every December may pamigay pa sya Kami naman sige sa pila Dala-dala pa nga nya isang beses asawa nyang artista Pero nitong pandemic andami naming nalaman, nabalitaan Sobrang dami na pala nyang naloko, nahakot Yap, nahakot na kaban ng bayan Gamit ang mga kawawang taong-bayan Eto isa-isahin ko Ambulance. Idedeliver sa hospital, picture-picture kasama mga doctors, nurses, media pa syempre. After ng ceremony, di naman iniiwan ang ambulance. Kinukuha din nila at sinasabi iparehistro daw muna. Ilang taon na di pa nababalik ang ambulansya. Yun naman pala andun sa base nila, nakatambak! Para pag may magpatulong sa kanila sabihin may ready na gagamitin para sa kanila!!! Baka. May project kuno, pamigay na mga baka para sa mga farmers. May picture-picture ulit, kunyari pinapamigay yung baka, yun pala after nun inuuwi nila mga yun at dinadala sa farm nila! Pero may iba naman na iniiwan itong si baka pero ang usapan, ang unang anak ay sa kanya!!! Ang kapal di ba??? Kambing. Yes, same sa baka project ang unang anak ni kambing ay ibibigay sa kanila! O di ba parang nagpaalaga lang talaga si politiko sa mga farmers! Ang utak corrupt talaga!!! Land grabbing. Eto sobra, ang lala kasi kami dito sa lugar namin ay biktima. Itong property nila sa likod bahay, tagal na. Mga bata pa kami alam namin lupa nila, kasi nga pag may pamigay na ayuda dyan lagi ang venue nila. Pero dahil sa pandemic, may mga nakilala kaming mga ka-level nila. Nalaman namin na ang lupa na yan ay di pa naka-titulo sa kanila. Property pa talaga ng barangay pero sya ang nakikinabang ng bongga kasi ginawang school ng TESDA. Hay, madami pa Sakit sa ulo Hirap isipin pero totoo Kaya ayaw nilang umalis sa pwesto Dahil anlaki ng pumapasok sa mga bulsa ng mga ito Kung may mga maayos lang sana na mag-audit s mga projects nila ano Kung talaga bang nakakarating ba Kung nagagamit ba ng tama At ang pagdeclare ng assets and liabilities nila ay transparent sana Pero sa palagay ko matatapos na ang masasayang araw nila Di na sila pupwesto ngayong halalang ito Tama na siguro Masyado ng madaming agrabyado Nagising na mga tao Gagamitin na pagiging matalino Di na sila magpapagamit sa ganitong klaseng tao Nakita na nila ang nagmamalasakit ng totoo Siguro may bahid din ng corruption pero lesser evil ba Kahit pano ramdam mo ang kanilang pagiging sinsero Tsaka nung kasagsagan ng pandemic Di nila pinabayaan mga tao Ayuda doon, ayuda dito Nakita na ang totoong kulay Yung totoong may puso Kaya naman ang dasal ko Sana ay ituro ni Lord kung sino ang karapat-dapat iboto Yung totoong may malasakit sa bansa at sa ating mga Pilipino. ...^•°... Lead image is from Unsplash. #originalcontent #bbghitte

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.