read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Si Lola

Bago ako matulog Ako'y biglang nauntog At gusto gumawa ng tulang pantanggal antok Kaso ano namang tema itong akin kayang magagawa Eh lead image nga di ko pa matantya Pero sige subukan na lang natin Baka sakaling palarin. Sige, ito na!!! Sa may dagat kanina Ang aking lola ay napasunod bigla Sabi kasi may manghuhuli daw ng isda Paubos na daw stock nila Tambay muna sya sa Kusina ni Camila Habang nag-aabang ng balita Eh dumating si bunso at naka-atv ba Inaya si lola kong 79 anyos na Walang alinlangan naman itong napasampa At nagpapicture pa!

Ang taray di ba? Ang saya-saya ni Lola Buti di ganun katirik ang araw Ang panahon ay nakisama kundi baka ang bagsak ay bungang-araw Nakailang ikot din sila Nung nagsabi syang tama na Kasi yung ngiti nya daw nung sumampa eh ngiti nya pa din hanggang pagbaba. Nakakaaliw at game na game sya May pakaway-kaway pa nga kanina. Hay, ang sarap pagmasdan Mga ngiti sa kanyang labi Tila ba nagsasabi Don't worry, be happy Na sa kabila ng mga gulo sa mundo Sakit na di mapuksa-puksa at nakakahawa Kahirapan sa kanan at kaliwa Taas ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan Madami pa din talagang dahilan Na lumabas ang ngiti sa ating mga labi.

...^•°... Hanggang dito na lang muna kaibigan Maghating-gabi na naman Oras ng matulog at bukas ay sasabak na naman Sa trabahong pangmalakasan Para sa maayos na kinabukasan Ng pamilyang aking mahal at pinakaiingatan. ...^•°... All images are mine. #originalcontent #randompoem

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.