read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Pasko na naman O kay tulin ng araw..🎤🎶🎶 Opps hanggang dyan na lang muna Ayaw ko nang ituloy Mahirap na baka sabihin nyo nangangaroling ako At baka madiscover pa ang golden voice ko Antayin ko na lang ang araw ng Pasko Tutal limang araw na lang naman. Ang sarap pagmasdan ng parol sa harapan ng aming tindahan Bigay ng barangay yan Palatandaan na may malapit na mauutangan Hehe, biro lang😁 Ang parol para sa akin ay simbolo ng liwanag Na sa lahat ng ating mga pagsubok sa buong taon Na hanggang ngayon ay tila ba di pa tayo nakakaahon May sisibol pa ding liwanag Ang liwanag ng pag-ibig mula sa ating mahal na Diyos Kaya sana ngayong Pasko, tayo ay patuloy na manalig at maniwala Patuluyin sa ating puso at buhay ang Messiah Nang sa gayon buhay natin maging masagana at palagi tayong busugin ng Diyos ng kanyang pagpapala. ...^•°... Gandang gabi mga kapatid, magsitulog na tayo🙂

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.