Kumusta kaibigan, ako ayos naman. Kumusta aking mga kaibigan Yari din lamang na akin ng naumpisahan Subukan ko na lang ituloy ang aking tulang kwentong pang-practice laang Ilang araw din akong di nagsulat Wala akong maisip na titulo o kwentong maibahagi man lamang Naging busy din kasi ang lola nyo Dahil sa kasal ng kapatid ko Napili kami ng asawa ko Na gumawa ng kanilang souvenirs Kaya sa tuwa ko, sa noise ko lang naishare ang mga larawang nakuhaan ko
Una ay ito Pambungad, pansalubong sa mga bisitang kanilang naimbitahan At dahil kasal Ang isa kong kapatid ay nag-donate naman Mga keychains daw sana Kaya kami ng asawa ko ay gumawa agad ng paraan Nanghingi ng kahoy kay tiyahing madaming kakahuyan
Sing-kwenta pirasong ganyan Di rin pala sya madali Matrabaho sobra mga kaibigan Kasi mula sa sanga Kailangan lagarihin, pakinisin pa ng bonggang-bonga Bago sya guhitan at barnisan Tumulong ako sa pagliha lang Natakot si asawa na ako ang magguhit Baka daw masira, sayang at baka di pa umabot sa kasalan Kaya pinagbigyan ko na May point naman sya Nang matapos na namin ang sing-kwenta Naisip ko, dapat iba ang regalo para sa mga major sponsors nila Kaya inalok ko na syempre iba naming paninda Buti nagmamadali na Kaya kung anong stocks namin Yun na ang kanyang kinuha
Yan ang isa sa pitong kanilang binili Ang saya ko syempre Pinadagdag na lang kanilang pangalan Para daw di nila makalimutan Na sa kanila galing ang regalong yan Ang saya ng ate nyong tindera Tapos yung isa kong kapatid Umuwi galing Saudi Kasama mga tropa nyang matitindi Bakit matindi? Dahil nung makita mga keychain naming paninda Sila ay nagsipag-order na Pampasalubong daw nila Aba, sino ba naman ako para tumanggi sa grasya Back to back orders ika nga
O di ba andami nila Noong una nahiya pa yung isa Pero sumunod na araw Listahan ng pangalan ay kanyang inabot na din nya Kaya eto naman ang kanya
Nakakapagod, nakakangalay Pero ayos lang Maganda nga yan Kahit pano kumikitang kabuhayan. O sya hanggang dito na lang muna Antok ko ay di ko na kayang pigilan na. ...^•°... All images are mine. #originalcontent #bbghitte
4 comments
Maganda ang tulang I Yong ginawa,Pati na rin ang key chair para Kay sistah, happy wedding sa kanila.
Salamat!
Apaka makata mo talaga hihi, hirap pa naman gumawa ng tula it takes time talaga na pag isipan yung bawat taludtud mahirap pag magkasing tunog yung mga nasa huling pantig talaga kaya napakaganda yung tula😊
Oo nga eh, kaya pag nasa mood go lang 🙂