Mamang nakatalikod
Mamang nakatalikod Hanggang kailan mo ba balak na ako'y di lingunin Na kahit anong aking gawin ay di mo pinapansin Di naman ako pangit sabi ng aking amang butihin Di rin naman ako mukhang gusgusin. Ang lalim naman yata ng iyong iniisip Na tila ba di mo naririnig aking pagsitsit Di rin alintana ganda ng langit Pati ang pagsigaw ni Aling Pasing Nang nasunog na daw kanyang sinaing. Mamamg nakatalikod Sana sa iyong pagninilay-nilay Ngiti mo ay biglang sumilay Nang gumanda naman ang paligid ng abang inday Dahil nakakainip din pala ang maghintay. Ikaw ba ay may problema Kanina ka pa kasi nakatulala Ilang bato na ang nahahagis mo kanina pa Di ko tuloy alam kung galit ka Pero wag naman sana dahil ayokong pumangit ka Di yata bagay sa'yo yun aking sinta. Oh di ba na-claim ko na Hay, kung di lang sana ako dalagang Pilipina Ikaw ay nilapitan ko na Pero sadyang mahiyain ako talaga At nagtatyaga na lang na sulyapan ka. Isang lingon mo lang Please, ibigay mo na Dahil mga lamok ay pinapapak na ko kanina pa Wag mo ng ipagdamot ano ba At ng makauwi naman ako ng maaga-aga Para di na naman ako masita ni inang reyna. Bakit ba kasi ikaw pa ang nakabighani Sa aking pusong matagal kong iningatan at itinali May iba naman dyan na nagpaparamdam palagi Pero sadyang puso ko ay ikaw ang hanap palagi Hanggang kailan ay di ko tuloy masabi. Mamang nakatalikod Magbibilang na ko ng sampu Pababa na ang araw at gagabihin na ko Di ka pa rin ba matitinag dyan sa pwesto mo? Aw, sakit pala talaga Ang role ng taong umaasa Kahit nagmumukha ng tanga Ay di nya alintana Masilayan lang ang kanyang sinisinta Pero sana talaga isang araw ay di ka na lang isang malaking SANA Kundi isa ka ng malaking sorpresa. Paalam mamang nakatalikod Bukas na lang ulit ako magbabakasakali Miss, sandali! Oppssyyy, ang puso ko ay biglang nabato-balani Ah eh, bakit? Lang aking nasabi Di ba ikaw si Carol anak ni Aling Lily? Oo, mabilis pa sa alas-kwatro bitaw ng aking labi Pwede bang sumabay? Dagdag mo pa Sagot ko naman ay sige ba! Tsug, tsug, tsug Ang puso ko ay tila ba sasabog na Kaya tapusin ko na itong aking tula Basta ang ending ay alam nyo na! ...^•°... Salamat sa pagbabasa Aking mga kaibigang makata Sana ay inyong nagustuhan Tulang kwentong inyong natunghayan. ...^•°... Lead image is mine. #originalcontent
No comments yet