read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Pasko na (Tulang-kwento)

Simoy ng hangin ay malamig na Sa umaga ako ay nakajacket pa nga Dahil nanunuot sa balat ang lamig di ba? Pero di na sya kagaya nung ako'y bata Na pagdating ng ganitong panahon Sa umaga pag ikaw ay nagsalita aba may usok ba At yung mantika aba eh tumitigas pa Pero ngayon wala ng ganun Di na halos ramdam Dahil sa tanghali itong anak ko naka-sando na Kasi nga pawis na pawis na sya. Pansin mo ba si kapitbahay? Dati September pa lang naka-ayos na ang parol Pati Christmas tree puno na ng palamuti Pero ngayon, ang dilim-dilim Tila ba sila'y nakalimot O sadyang nagtipid na sila dahil mahal na ang kuryente at ang mga pangyayari sadyang masalimuot. Bente-dos na ngayon Pero busy pa din sa kapatid sa work Yung anak ko nagtatanong bakit walang nagka-carol Sabi ko anak, bawal ngayon may covid Sya ay nalungkot, naghanda pa naman daw sya ng kakantahin nya Pano daw mapuno yung medyas nya Naalala nya kasi nung nakaraang taon Sobrang enjoy sya dahil 1st time sya nakasama At andami nya napamaskuhan Gusto nya pa naman daw sana isama tong pinsan nya. Hay, Pasko na nga Kaso andaming pagbabago Pero gaya ng karamihan Ayaw natin ng ganitong paraan ng pagbabago Yung biglaan, yung tahimik lang Sanay kasi tayo sa masaya, maingay at magkakasama Di yung kanya-kanya, virtual-virtual ba Iba pa din kasi talaga ang pakiramdam Mas masarap, mas feel na feel ika nga. Pano pa makakarating si Santa Eh baka harangin sa boundary Daming requirements Kailangan may travel authority, result ng swab or rapid test at ang matindi kailangan may proof of residency! O baka nag-upgrade na din sya Ipapa-shoppee na lang din o kaya Lazada. Pero sa totoo nagwish ka pa ba ng mga material na bagay? Kasi ako di ko na inisip na magsuot ng bago Di nga ako nag-abang ng 12.12 Mas ang wish ko kasi ngayon kapanatagan Yung panatag kang lumabas ng walang alinlangan at mask Yung makakapasyal ka sa ibang lugar ng malaya at walang naninita Yung di mo kailangan umiwas sa kapwa mo kasi feeling mo safe ka Yung kampante ka kasi walang sakit na nakakahawa at nakakamatay pa Pero ito na talaga, ilang tulog na lang Pasko na Wag na tayong magsenti-senti Bawal ang ganyang feeling Dapat excited tayong lahat Dahil birthday na ni Jesus Ang pinaka-magandang gift para sa ating lahat. Sya ang ating Liwanag at Ligaya Na sa kabila ng lahat ng ating pagsubok Sa kabila ng lungkot at pighati na naranasan natin sa halos isang buong taon Wala tayong karapatang maging malungkot Tayo ay patuloy Niyang pinagpapala Na madami pa din Siyang binibigay na dahilan para tayo ay ngumiti at tumawa Magpasalamat at magpakumbaba Dahil di Niya tayo iniwan ni minsan. ...^•°... Maligayang Pasko sa inyo mga kaibigan Sensya na sa aking nakayanan Utak ko ay tila ba ay kinakalawang Pero bawal naman ang judgmental kaya okay lang Intindihin nyo na lamang😁. XOXO, bbghitte Lead image is mine. #originalcontent #readcash

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.