Gusto ko magsulat!
Di naman ako manunulat talaga Nasanay ako na report lang aking ginagawa Yung may format ba At ilalatag na lang ang ilalaman nya. Pero mula noong nakaraang taon Nabigyan ako ng pagkakataon Ibahagi ang aking onting kaalaman At magbigay ng inspirasyon. Pero di pala madali ang lahat Madami ding hirap Gaya ng anong magandang titulo Anong magandang background photo At anong isusulat ko? Pero dahil mahilig talaga ako sa litrato Sa mga ito ako humuhugot ng kwento Tinititigan ko muna baka sakaling may pumasok na salita mula dito Effective naman kaibigan. Sa mga nasulat at isusulat ko Mas komportable ako sa tulang kwento Natutuwa kasi ako mag-isip ng mga salitang ang dulo ay magkakapareho Para bang natetest ang aking boka-bolaryo Minsan nauubusan na ng salita kaya tinatapos na lang, ewan ko kung napapansin mo☺️. Sinusubukan ko mga mababaw lang, kahit pano kapupulutan ng aral at may laman din naman At dahil ang anak ko ay natuto ng magbasa at magsulat Gusto ko kapag ito'y kanyang nadaanan Mabilis nya itong maintindihan Ganun kasi ako, simpleng tao Ayoko ng magulo at komplikado Masakit kasi yun sa ulo At nakakapangit pa kamo☺️. Kaya pagpasensyahan nyo na kung mga kwento ko ay magulo Di maganda ang pagkaka-arrange at feeling ko minsan lihis na sa topiko Mag-aaral pa at magbabasa-basa ulit ako Para naman ma-improve itong aking natututunang mahalin na talento Bigyan nyo lang ako ng time mga kaibigan ko Mahirap din kasi isabay ang pag-aalaga ng mga bata at pag-aaral Ubos ang energy sa maghapong paghahabol at pagbubuhat. Pero masaya talaga magsulat Para bang nailalabas ko din ang mga hinaing, problema at aking mga natututunan Ang saya sa aking kapaligiran, ng buhay at ng aking mga karanasan Boring? May tama ka naman dyan😁. O sya hanggang dito na lang Babagsak na ang aking mata kaibigan Salamat uli sa iyong pagdaan Sana ay natapos mo namang basahin Ang aking tulang kwento na naibahagi Hanggang sa muli! ...^•°... Lead image is mine. #originalcontent #readcash #noisecash
2 comments
Ang galing mo naman, kaibigan Gusto ko tuloy etong subukan Marunong naman ako kahit papano Di nga lang kasing galing mo *drops the mic* 🤣🤣🤣
Heheh, salamat kaibigan😁