read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Layo ng tingin

Layo ng tingin Akala nag-iisip ng malalim Pangiti-ngiti pa kunyari Nasilip ko naman siya ay bungi. Biro lang, buo pa naman Gusto ko sana syang batukan Dahil kanina ko pa tinatawagan Ako ay di nya man lang magawang tignan Ano ba ito Tanong sa isip ko Napakaseryoso, akala mo naman ay totoo Maya-maya sya ay biglang tumayo Oh ate, anong iniisip mo? Ikaw kako, kanina pa ako tawag ng tawag sayo Kaso para ka namang rebulto Di naririnig kahit anong sigaw ko Ano ba kasi iniisip mo? Ah wala ate kamo Pinagpaplanuhan ko lang san ko gagastusin napanalunan ko sa pusta sa NBA nanalo kasi manok ko Hay naku na lang nasabi ko. Pagdating ng merienda Ikaw ay nagtawag na 'Merienda time' sabi mo nga Paglabas isang kalderong arroz caldo iyong dala Natakam naman ako ng bahagya Napangiti tuloy ako bigla Nung naalala ko nangyari nung umaga Nag-isip ka pa talaga, arroz caldo lang pala Nag-expect pa naman ako ng pizza sana Ikaw kaibigan, pumusta ka din ba kanina? ...^•°... Salamat sa pagbabasa sa aking tulang-kwento na hango sa tunay na nangyari kaninang umaga.

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.