read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Ulan

Pumatak na ang ulan Di pa naman tag-ulan Pero okay lang Masarap naman sa pakiramdam Lalo pag nakatingala sa buwan O kaya nakatingin sa kawalan Pero mas mas maganda sana Kung ikaw ang kasama Habang nanonood paglitaw ng mga tala Subalit ang layo mo pala Halos isang taon na tayong di nagkikita Namimiss na kita sobra Kahit lagi tayo magkausap Sa telepono ng halos magdamag Parang hindi pa din sapat Kaya pinapadala ko na lang muna sa mga ulap Baka sakaling makarating ang aking mahigpit na yakap Na bawat patak ng ulan ay iyong malasap At maramdaman mo ang alab Ng pagmamahal kong tapat. Pero please lang Wag kang magbabad sa ulan Baka naman iyong masobrahan At sipon naman ang abutin mo nyan. ...^•°... Uy kaibigan Ikaw pala yan Natuwa ka ba sa iyong natunghayan Yan lang aking nakayanan Nadala la lang sa ulan☺️. Hanggang sa muli! ...^•°... Lead image is mine. #originalcontent #readcash

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.