read.cash Log in
@bbghitte

Lutang Minsan sa buhay Para kang lutang, Parang paro-paro Di malaman anong gusto San paroroon at dadapo Naghahanap ng daan Pero di naman malaman kung nasaan O may nakita naman Kaso lang di sigurado Papasukin ba ito o lalagpasan na lang Walang direksyon Gusto subukan pero takot naman ito Gusto magkaroon ng ganito, ganyan Pero ayaw naman gumawa ng paraan Di alam kung tamad ba Nasanay na sa okay lang Umaasa na lang sa biyaya mula sa iba O sadyang lutang at di alam ang tamang daan Nagdadasal naman Panginoon, ako ay iyong tulungan Ituro sakin tamang gagawin Makilala mga taong sakin ay aagapay Iba-iba, paisa-isa Pero sadyang lutang Ang gusto ay di talaga malaman Ubos oras kakaisip Paano, paano Tik-tak, tik-tak Magpapasko na Ilang araw, bagong taon na Ang isip at katawan mo ay di pa handa Anong bagong mithiin para sa bagong taon Anong mga babaguhin Anong mga aayusin Anong daan na ang tatahakin Dasal lang, tiwala lang Walang imposible Lahat naman ay dumadaan sa ganyan May mabagal, may mabilis Pero panigurado Kung lutang ka ngayon Bukas makalawa ay hindi na Kasi nakakapagod din yun Kaya mabuti pa, itulog na At bukas ay panibagong simula Ngumiti, magbunyi Sapagkat madaming magbubukas na oportunidad para sa ating lahat. ...^•°... #bbghitte #originalcontent

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.