Ang Aking Paraiso
*Sarap pagmasdan* *Gintong kalangitan* *At mapayapang karagatan* *Nagningning, kumikislap* *Tila ba nagsasabing bawal kumurap.* *Araw-araw ko syang inaabangan* *Kasama ng aking anak na kagandahan, syempre may pinagmanahan😁* *Di nakakabagot, di nakakasawa* *Tila ba isang magandang pelikula, inuulit-ulit pa.* *Swerte at biyaya kung aking ituring* *Tumira malapit sa karagatan* *Kung saan aking laging nasisilayan* *Pambihirang kagandahan.* ...^•°... Sa aking paglalakad kanina Kasama ang mga bata Ako ay nalungkot bigla Dahil sa mga nakakakalat na namang mga basura Yung iba mukhang inanod mula pa sa ibang lugar o probinsya Ang iba naman ay tapon na naman ng mga ibang bumibisita Na pag tinamaan ng sikat ng araw ay talaga naman masisilaw ka Hindi sa ganda, pero sa dumi na taglay nila Ang sakit sa damdaming nakikita Na ang tinuturing mong paraiso ay dinudumihan at di inaalagaan ng iba May mga nagmamalasakit pero bakit mas madami ang hindi Mas lamang ang walang pakundangang mag-iwan na lang ng kanilang kalat Siguro naisip nila may pupulot naman May maglilinis naman siguro nyan Yan ang masakit, dahil sa ganitong pag-iisip Pano pag sa sampung tao na dumayo Ganun ang perspektibo Kawawa naman ang aking paraiso Dinudumihan lang ito *Maganda, mapayapa, kalmado* *Masarap dito, presko, babalik ako dito* Yan mga naririnig ko Pero bakit kaya walang ganito *Bawal magtapon dito, pulutin nyo kalat nyo.* Di naman pwedeng araw-araw ay maglinis dito Dahil syempre may iba pa akong inaaburido Kung may pera lang siguro ako Kukuha ako ng mga tao Na tigalinis talaga ng coastal area dito Kaso onti pa laman ng aking bangko Siguro pag medyo maluwag-luwag na ang bulsa ko Pag ang BCH ko na ay sampu😁 Kaso ni isa ay wala pa ko. Kaya sa ngayon, gawin ko muna kung ano ang kaya ko Magmulot ng basura kahit patatlo-tatlo Ilayo sila sa dagat na sa mga isda at coral reefs ay makakasira Ituloy lang ang adbokasiyang nasimulan ko Nagbabakasakali na bukas makalawa Mahihiya nang magtapon ng basura Ang sinumang tatapak at bibisita Sa lugar na sa akin ay nagpapaligaya Sa lugar na kung aking tawagin ay PARAISO. ...^•°... All images are mine. #originalcontent
No comments yet