read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Tulala Ako ay natutulala Sa angkin mong ganda Kulay mo'y pambihira Talaga nga namang kaabang-abang ka. Kulay mo ay nagbabago paunti-unti Mula sa nakakasilaw na kulay ginto Hanggang sa maging kahel ito Lahat ay nakaabang Click dito, click diyan Iba-ibang anggulo Para lang makasiguro Na di nila makaligtaan Magandang scenario.

Pero lalo akong natulala Nang si kaibigang @Firenze ay ginawan ako Napakagandang watermark para sa mga larawang kuha ko Tila ba naging totoo Pangarap kong maging ganap na tiga-litrato Oh di ba panalo? Kasi dati meron ako Pero feeling ko pucho-pucho Madaling gayahin Walang buhay pati dating Kaya nung napag-usapan ito Agad akong nakisuyo Agad-agad naman pinagbigyan ako Kaya heto, may magagamit na ako. Talaga naman itong si kaibigan Kahit sobrang busy, oras sakin ay inilaan Mapasaya lamang abang lingkod Na sa ganitong mga talento ay di ako nabiyayaan Kita mo nga naman, 'bbghitte photography' yan! Sarap sa mata at pakiramdam Bigat ng dibdib ay naibsan Dahil tuwa ang nanaig.

Hala, di ako makapaniwala Totoo ba itong aking nakikita? Ako nga ay pakikurot! Ouch, sakit! Totoo nga! Nga pala sa Polish na app ko yan inedit Dahil di ko makita sa snapseed Ang pag-insert ng isa pang larawan Hinanap ko kasi sa Picsart Subalit ang 'save' option ay di ko mahanap. O sya, hanggang dito na lang muna Flinex ko lang talaga Watermark kong maganda! Hangang sa muli All images are mine. #originalcontent

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.