Natapos na naman ang araw Unang araw ng ikawalong buwan Hay, tignan mo nga naman kaibigan Tapos na tayo sa kalahati ng taong 2021 Ang bilis nga naman Parang kailan lang Halos di ko na namalayan At bukas makalawa, BER months na Pero wait lang, birthday ko muna! Kailan nga ba? Di ko sasabihin baka kasi ako'y batiin nyo pa Nakakahiya kasi wala naman akong handa Ilang taon na ko? 21 lang, tumigil na kaso magbilang mula dyan. Change topic na nga. Musta nga pala ang 2021 mo na? Ilan sa mga nasa wishlist mo ang may check na? Naka-kalahati ka na ba? Pero kahit ano man ang sagot mo dyan kaibigan, gusto ko sa'yong sabihin na 'CONGRATS!' Kasi eto malusog tayo, kasama mga mahal natin sa buhay, at ligtas tayo kay covid Yan ang pinakamalaking check na wala man sa wishlist eh alam kong yan ang number 1 na dasal natin palagi! O sya, paalam na muna at ako ay antok na. Hanggang bukas mga ka-ingay!
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
Bakit ayaw pang sabihin? Simula ngayon babatiin kita araw-araw. Hahaha. Happy Birthday! Tama kayo. Ang mahalaga malusog tayo... Good nightm π΄π΄π΄π΄