read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Inis at gigil Sa buhay Dami talagang mga pabida Pero pag harapan wala naman palang ubra Kasi maiinis ka pa din talaga Kahit anong timpi at pigil ka pa Dahil sa mga pasaring na di maganda Lalo pag di ka sanay sa mga ganung salita Kaya idadaan ko na lang sa sulat Ang aking nadarama Baka sakali pagtapos nito Gumaan na ang dibdib na nainis Hay buhay nga naman Bakit ba kasi ganun Sakit sa heart bes!!! Pero sabi nga ni asawa Wag ko na daw pansinin Ako lang daw ang matatalo Pero anong magagawa ko Tao lang ako May pusong di naman bato Buntong-hininga ko na nga lang Kaysa i-marites ko pa kung kani-kanino man Ako pa magiging masama pag di ko mapigilan Focus na nga lang ako Dito sa pamangkin ko Matutuwa pa ko at matatanggal sakit ng ulo Galit at gigil na nararamdaman ko. O sya tama na, okay na ko Salamat sa platapormang ito Kahit pano Nailalabas ko ang mga ganitong saloobin ko. ...^•°...

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.