read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Liwanag

Nangyari na ba sa'yo Na kahit ang liwanag ng sikat ng araw Pawis mo ay tagaktak Pero tila ba di ka nasisilaw Na halos mata mo'y di na maidilat Pero para sa'yo madilim pa din ang lahat? O di naman kaya Ang dami ng nagsasabi sa'yo Lumabas ka na sa lungga mo Di dapat magmukmok, lumaban ka at tumayo Pero tila ba pandinig mo ay sobrang sarado? O kaya Parang fiesta sa dami ng pagkain Lahat ng paborito mo pa nga ang nakahain Pero parang lahat sa'yo ay di masarap Parang may kulang sa tamis o alat Di makuha ang tamang timpla at sukat. Na imbes na kasama kang nagbubunyi ng lahat Nasa sulok ka Tahimik at tulala Di man lang masilayan ng ngiti at tawa Ang dating masayahin ay sobrang tamlay na At ang dating nangunguna sa kwela ay biglang naging isang taong di na namin kilala.

Ooppss, tinamaan ka ba? Sorry ha, di ako nagpasintabi Pero gusto ko sabihin sa'yo ito Hoy, tigilan mo na yan! Kung ayaw mong ikaw ay aking buhusan Ng malamig na yelo at ng ikaw ay matauhan Wag mong ikompara ang sarili mo sa iba Lahat tayo ay may landas na kanya-kanya Wag mo pakinggan sinasabi nila Dahil magkaiba naman kayo ng linya Ibalik ang dati mong sigla Walang mangyayari kung lagi kang nakadapa Tumayo ka dyan, maligo, magtoothbrush at magpagupit ka naman Sarili ay wag pabayaan Papaalala ko sa'yo Baka kasi iyo ng nakalimutan Di ikaw ganyan! Magaling, masayahin, maabilidad at masigla ka dati pa Mapagmahal at mapagbigay ka pa nga sa kapwa Na isusubo mo na lang eh ipapamigay mo pa Gusto mo lang makita na lahat ay okay ba. Kung nagkamali minsan Wag mong dibdibin masyado yan Nangyayari talaga sa lahat ng tao yan Magkakaiba nga lang mg bigat at dahilan Pero ano ka ba, ikaw pa ba Eh bilib nga ko sa galing mo sobra Bumangon ka na dyan dali Dahil iba na ang amoy na namamayani Sa kwarto mo at umaabot na sa labas pati Aba eh nakakahiya naman sa kapitbahay mong si Auntie Patty Oh di ba napangiti kita? Yan, ganyan Gusto ko nakikita ang liwanag ng iyong mukha Na sa isang ngiti mo lang ay umaaliwalas na ang paligid bigla Na tila ba ang mundo ay napupuno na agad ng ligaya. ...^•°... Hello kaibigan Ikaw pala ay muling napadaan Salamat ulit ha Sana ay napangiti kita sa aking tulang kwentong pambihira Bakit pambihira Wala lang, maganda kasi sa rhyming ba☺️ Hanggang sa muli at magandang gabi! ...^•°... All images are mine. #originalcontent #readcash

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.