Aking Ama
Aking ama Isa kang dakila Dami mong hirap para buhay nami'y guminhawa Ang bisyo mo ay nakaya mong isantabi Maibigay lamang aming mithi Mga damit mo'y laging patahi Mas tipid kasi yun ang iyong sabi Sapatos mo ay alagang kiwi Dahil halos di ka na makabili Salamat sa kapatid na nasa tate dati Nabibilhan ka nya ng matibay-tibay at pangmatagalan Pero dahil nag-iisa lang Kahit matibay, syempre napupudpod din naman. Di ka pa nakakapagpagupit sa barberya Dahil sa nagtitipid ka Bili ka na lang ng blade at si Nanay na ang bahala Hay aking ama Sadya nga namang hirap ay di mo inalintana Kahit wala ka ng kapera-pera Pag-uwi mo ng bus may ngiti ka pa ding nakahanda At di lang yun, may bitbit ka pa para sa aming mga bata Namimiss tuloy kita ng sobra Wait lang, baka ako'y mapaluha Pause muna at tumingala! Ilang taon na din ang lumipas Pero ang sakit pa din talaga Parang kahapon lang ng iniwan mo kaming iyong mag-iina Di kami handa, hindi kami nakapaghanda Naalala ko pa Pasko bago ng iyong paglisan Ako ang iyong napili na samahan Anak, dalawang sapatos lang ang iyong tinuran Sabi ko pa sige ba, pili ka na Nahiya ka pa nga pumili nung una kasi sa presyo ikaw ay nag-alangan pa Pero sabi ko, wag ka mag-alala Ang saya mo noon na umuwi at ipinakita sa kanila ang ating napamili Sakto sa pupuntahan na graduation ni air force Ama ko, di mo pinaramdam na ikaw ay may malubhang nararamdaman Lagi mo kami pinagluluto ng iyong masarap na adobo at sinigang Lagi kang may joke na minsan ay corny din naman Pero sadyang magiliw at masiyahin ka talaga Na tila ba ayaw mo kaming nag-aalala Noong nagkasakit ka sabi mo pahinga ka lang sa ospital Isang gabi lang daw ika mo pa Pero isang araw, isang linggo, hanggang isang buwan Hanggang ang lakas mo ay nawala ng tuluyan Di na namin narinig ang boses mong maganda Ang 'hello my dear' mong sobrang lambing pa Aking Ama, mahal ka namin sobra Mga pangaral mo aming lagi isinasabuhay at inaalala Kailanman ay di ka namin makakalimutan Alam ko na masaya ka ng kapiling ng totoong Ama Na Siyang nagbibigay ng buhay na masagana. ...^•°... Hello ulit mga kaibigan Sana ay iyong nagustuhan Ang aking tulang kwento na mula sa kaibuturan. ...^•°... Lead image is mine. #originalcontent #readcash #noisecash
No comments yet