Kaibigan, lumabas ka Kaibigan, sawa ka na siguro ano Sa apat na sulok ng iyong kwarto Nakakainip, nakakabato Bakit ba kasi sa dinami-dami Magkulong pa iyong napili Lumabas ka naman kasi. Presko ang hangin Maaliwalas na langit Ganda ng mga bulaklak Luntiang kapaligiran Kaibigan labas na dyan! Ano bang meron dyan At di mo maiwan-iwan Dito sa labas ang saya ng mga tawanan Masayang usapan at kulitan Dyan wala kang ibang mapaglibangan Kaibigan lumabas ka dyan! Di ka ba naiinggit? Wag mo na pigilan Alam ko di ka sanay dyan Dahil ikaw ang lagi pasimuno sa mga kaguluhan Mas malakas pa nga ang iyong tawa Kaysa kay Aling Stella Lumabas ka na, ngayon na! Namimiss ka na namin sobra Andito ka nga sa tabi Pero ni ha, ni ho di mo masabi Ano bang nangyayari? Kung anuman yan Gusto ko ay iyong malaman Na di ka nag-iisa kaibigan Andito ako, si ate, si kuya Si Nanay at Tatay isama mo pa At kung di mo pa kaya Magdasal ka, alam mo bang namimiss ka Niya Akala mo lang natutulog Siya o kaya di ka Niya mahal Pero di yan totoo kaibigan Ang totoo noon ka pa Niya niyayakap Noon ka pa Niya inaalalayan Di mo lang ramdam kasi nagpapatalo ka sa iyong isipan Buksan ang puso at patuluyin Siya. ...^•°... Salamat mga kaibigan At ito ay iyong nadaanan Sana ay iyong nagustuhan Kung may komento ka ay ayos lang☺️. ...^•°... Lead image is mine. #originalcontent #readcash #noisecash
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet