read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Mga Tula ni Bb (Part 2) Nabasa mo ba yung una? Naku kung hindi Wag ka ng mag-abala Ayos lang ano ka ba Ako nga di na sila tanda😁 Ito na lang Baka sakali makapulot ka ng kahit onting hugot o inspirasyon ba. ...^•°... 'Forex' Noong isang araw Ako ay nasabihan Ang 'forex' daw ba ay akin nang nasubukan Sabi ko, hindi pa Naririnig ko lang Dahil si gf ni kapatid Noon ay dyan nahilig Puyat ang inaabot pero sulit na sulit Subalit sya ay natigil Dahil sa career at sa pag-ibig Kaya mula kagabi Ako ay sa youtube naghanap Nang ang basic naman ay aking matutunan Subalit di ko namalayan Ako pala ay ginupo na ng antok Ang naalala ko lang ay yung pips at spread Ngayong gabi aking itinuloy Nalaman ko naman ibig sabihin ng candlestick, stop loss at take profit Kaso ang kalaban ay akin na naman naramdaman Kaya bago pa ulit ako matalo Ito, magsusulat na muna ako Ang sarap matuto, sarap sumubok ng bago Malay mo, di man nag-click sa crypto Baka sa forex, mahanap ang magandang kinabukasan na hinahangad ko Kaya mga kaibigan Baka ikaw ay may alam Pa-share naman! ...^•°... 'Titulo' Noong mga bata tayo Sabi ng nanay at tatay Mag-aral ng mabuti Igagapang namin ang iyong pag-aaral Makamit mo lang ang minimithi mo At magkatitulo Sa murang edad di naman natin alam ito Basta nag-aaral lang tayo ng mabuti Nang sa gayon di tayo pagalitan pag-uwi. Habang nagkakaedad Nakikita natin ibig sabihin nito Titulo, titulo Nagagamit ito Importante ito Pag wala ka nito Ibang tao, iba ang tingin sa'yo Taas, baba sabay taas ng kilay pa ng mga ito Na tila ba sa titulo exempted ka nang magkamali Kung baga sa pila Andun ka sa lane ng priority Nitong nakaraan lang Nawitness ko Sa mismong Ate ko Habang nagtitingin kami sa surplus Di kami inaassist ni aleng maganda Imbes na samahan kami, ituro mga pwede nyang irekomenda para sa amin Pero wala di namamansin Kaya ang ginawa ng kasama namin 'Miss, samahan mo mga si Madam namin may hinahanap sya, paki-assist madami syang bibilhin' Kaya si Ale, dali-daling tumayo at lumapit kay Ate Sabay hingi ng 'Pasensya na po Madam, dito pa tayo' Parang si BBM Dahil sa in question ang kanyang diploma Mga ibang tao Kung manghusga akala mo na ay perpekto Na porke't sila ang may titulo Para bang may karapatan na silang manlait ng kapwa tao Na para bang sila na lang ang perpekto Pero sa akin May titulo o wala Maging mabuting tao tayo Wag nating kalimutan ito. ...^•^... Hanggang dalawang tulang kwento muna mga kaibigan Antok ko ay di na talaga mapigilan. ...^•°... Lead image is mine. #originalcontent #bbghitte

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.