Si Nanay
Tumatanda na talaga si Nanay May mga paniniwala syang mahirap ng baliin Nagiging matampuhin din Pakiramdam nya pinagkakaitan sya Ng mga bagay na gusto nya Gaya ng pagbubuhat, paglalaba Kaso lang talagang may edad na sya Hirap na nga sya tumayo minsan At yung pandinig nya ay isa ring naapektuhan Madalas ko sya nakikita Nakaupo lang sa harap ng bahay nya Hawak ang rosaryo habang nakatulala Minsan naman ay nananaghoy pa nga Nanay, Alisin ang takot at pangamba Wag mag-isip ng kung anuman Na sa damdamin mo ay makakasama Wag ka na mamrublema Sa pagkain, panggastos at ano pa Mga utang nila sayo Naku wag mo na isipan pa Gula-gulanit na listahan mo Iniingatan pa din ba? Nubenta anyos ka na Wag ka mag-alala di ka namin papabayaan Pagkain mo kami na bahala At di ka namin dadalhin sa home care Na kinakatakot mo noon pa Kahit noong mga bata kami ay lagi ka nananakot at nagagalit Sa iyo ay di kami nagalit Natakot lang naman kami ng saglit Ganun yata talaga pag bata pang yagit. Nanay, Kahit ikaw ay nag-iisa sa buhay Dahil sabi mo nga istrikto ang iyong mga ate at kuya At inuna mo pa pagtapusin ang iyong mga kapatid sa mga kursong gusto nila Na minsan akala mo limot ka na nila Di yan totoo Dahil malayo man sila lagi ka naman kinukumusta Nag-aabang ng mga post namin sa social media Di lang talaga sila vocal sa kanilang nadarama. Nanay, Di ko makakalimutan ng iuwi ko ang aking unica hija Sobra mong saya at agad mo syang Binigyan mo pa nga ng mga baryang uso nung kapanahunan mo pa Sabi mo swerte yun ng anak ko Kaya agad ko itong itinago At balak ko itong ibigay sa kanyang debut. Nanay Mahal ka naming tunay Wag mo isipin na ikaw ay nag-iisa Sa bahay lang yan kasi ayaw mo naman itong iwan Ganun yata talaga dahil ito na ang iyong nagsilbing tahanan mula pa noong ipanganak ka Lagi mo sinasabi na malapit ka na sumunod sa kanila Pero pilit namin iniiba Dahil gusto pa namin ikaw kasama At makita mo pa mga apo mo sa tuhod na maging maayos buhay nila Kahit ikaw ay edad nubenta na Di naman halata dahil nakakasigaw ka pa sa mga pusang gala At mga manok na maiingay sa umaga Kalabaw lang tumatanda ika nga. ...^•°... Salamat ulit mga kaibigan sa oras na inyong inalay Sa pagbabasa ng aking tulang kwento na hango sa buhay Ng aking mahal na lola. ...^•°... Lead image is mine. #originalcontent #readcash
4 comments
Alala ko tuloy si mama 😢
Aw, sensya na sis kung ganun. Lola ko kasi nahuli ko naman humahagulhol kahapon sa harap ng bahay nya😢
Ay si lola pala. Kudos sa lahat ng mga Nanay! I'm glad dito ako nabutan ng pandemic sa amin.🙏🏽👍
Oo nga, buti din nakauwi kami kundi kawawa din tlga si lola ko at si nanay...hirap pa namn malockdown sobra