Maganda gabi sa inyong lahat mga kaibigan, Nais ko kayong batiin ng maligayang Pasko Sana ay naging masaya at mapayapa ang buong araw nyo Kahit pagod ang katawan ay nakangiti pa din kayo Parang ako, super pagod mamalengke, magdecorate at magpagames Pero eto nakangiti pa din Lalo nung narinig ko ang sabi ng aking chikiting Mommy, ang saya ng Pasko ko Lahat kasi ng games sinalihan nya Kaya dami nyang prize na nakuha Ayun diretso sa savings piggy bank daw nya. Ito palang larawan ay aking nakuhaan Kaninang umaga ng kami ay nagsimba Ang ganda ng kalangitan Nagniningning, nakakabighani Pero nawala din agad Buti na lang nakuhaan ko ng mabilisan. Maligayang Pasko ulit sa inyo!
2 comments
Merry Christmas sis 😁
Magandang gabi at maligayang pasko sayo