read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Mga Tula ni Bb 'PAGMAMAHAL AT GALIT' Naghihimutok Ang puso at isip Sa labis na pagmamahal Na bakit sa kagustuhan mong itama ang isang mali Ay kailangan mong makasakit at masaktan Kailangan mong tiisin Masasakit na salita Kailangan sambitin Na kahit di mo nais sana Ay kailangan mong mailabas at maisambit Para sana maliwanagan Mauga at lumambot Ang pusong nagiging bato na Bato dahil sa kagustuhang maayos ang isa Subalit ang kabila ay unti-unting nasisira Tahimik lang pero parang nagkawatak-watak na Na may mga luhang di na kailangan ipakita May mga salitang di na nasasambit Kinikimkim na lang para lang maayos Para lang di na lumala pa May mga hinanakit na sa ibang tao na lang inilalapit Para lang di na makadagdag sa dagan at bigat ng damdamin. Pagmamahal na di na nakikita Nababalot na ng pagmamahal na di kayang piliin kung saan ba Bakit nga ba ganun ang pag-ibig Napakadaming komplikasyon Na di mahanapan ng gamot Kaya ito, sa Diyos nagsusumamo Ipinapaubaya ang bigat na dala Para mamaya ay okay na Para bukas ay haharap na ulit sa panibagong umaga Ng may ngiti sa labi at sa mata. ...^•°... 'Mugto' Namumugto ang mata Sa kakaiyak, kakatawa Malungkot, masaya Nakakalito di ba? Oo, tama Ako din ay hirap ng ipinta Dahil matang di na maidilat pa Ang lungkot na nadarama Hirap ng itago pa Gusto mong umasta Na ayos lang, walang problema Pero darating pala Sa panahon na di mo na kaya Kaya iiyak mo na lang Mahirap ikain kas magastos yun di ba Buti ang iyak, libre pa Pero seryoso May hangganan ang mga pagtitimpi ng ating mga puso Napupuno din sya At ang pag-iyak ang tanging paraan Para magkaroon ng sapat na espasyo Ang pag-iisip ng matino At nang pag tinapik tayo ni Lord Di tayo lutang at nalilito Kaya okay lang mamugto ang mata Minsan nga mas maganda pa tayo sa umaga Dahil paningin natin ay umaliwalas bigla. ...^•°... 'Nalasing si Jr' Umaga pa lang Katabi na si Gin Sumama pa si kambing Sarap na sarap Sabi perfect timing! Di nakikita talim ng mata Ng misis na galit na Pati anak ay nakapamewang Tanghali, iba naman ang katabi Umalis na si Gin, si RH ang pumalit Aba, di lang nag-iisa si RH Nagtawag ng tropa, anim sila Kaya nung tumagal Ayon sumipa Dumaan tuloy si Kambal Napagtripan nya Kambal, may tanong ako sigaw nya Eh di maganda ang pandinig sa sabi nya Ayun si Jr, nabawasan ng turnilyo Hinabol sa Kambal hanggang kanto Binugbog nya ito Kawawang Kambal, maga ang mukha nito Kaya sa iba dyan Kay Gin at RH, iwas na please Lalo kung di mo naman pala sila kayang awatin🙂. ...^•^... Lead image is from Unsplash. #originalcontent #bbghitte

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.