read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Itong si Mrs. Kambing Malapit na yatang lumabas ang kanyang chikiting Kaya bago pa mangyari yun Ako muna ay kanyang pinaunlakan Na makuhaan sya ng larawan Oh di ba ang cute nya Naalala ko tuloy ang kambing ni Yuri Sabi ng tita ko kagabi Ito daw ay nanganak na Di lang iisa kundi dalawa pa Tatlo nga daw sana kaso namatay ang isa Nauna daw kasi ang kanyang paa Pero ayos na Malaking blessing na ang dalawa Kaya sabi ko kay Yuri sya ay lola na Ayun sya ay natawa Ang bata-bata pa daw nya:) O sya hanggang dito na muna Ako ay gutom na Tanghali na pala Ako kasi ay nag-alaga Sa pamangkin kong isa Dahil ako yata ang paborito nyang tita:)

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.