Kaibigan
Kaibigang kong matalik Ako na ay nasasabik Sa iyong pagbabalik Makita ng personal na may beso sa cheek. Ang distansya man natin ay di naman kalayuan Subalit tayo naman ay sobrang pinapahirapan Ng mga protocols ng pamahalaan Na talaga naman pahirapan at may kamahalan. Araw-araw man tayo nagtatawagan Iba pa din talaga ang magkita ng malapitan Mayakap ka ng mahigpit At makausap ng walang limit Na walang data na tinitipid. Kaibigan, lagi akong nagpapasalamat sa Poon At ikaw ay aking natagpuan Di man natin ito inasahan Pero unang pag-uusap pa lang Biglang swak na agad ang ating kaugalian Mas hyper ka nga lang minsan Pero ito ay tanggap ko naman. Kaibigan, salamat dahil ugali ko'y iyong tinanggap Sa aking kapraningan at kalokohan Ka-weirdohan at kaartehan. Ikaw ay aking maasahan anumang pagsubok ang dumaan Di natin alintana init at lamig ng panahon Basta mailaan lang ang tamang atensyon Na kung alanganin ay nagagawan ng solusyon. Ibang klase ka sa lahat Nagkaroon ako ng anghel na wala ngang pakpak Pero biniyaan naman ng puso na busilak Kahit minsan ako ay bugbog ng talak Okay lang dahil tawa naman natin ay pak na pak! Kaibigan, sana ay okay ka lang Ilayo ka sana ng Poon sa kapahamakan At maging maayos lagi ang kalusugan Kahit malayo man tayo ngayon sa isat-isa Asahan mong sa dasal at diwa ikaw ay kasama. Di man tayo magkaintindihan minsan Alam naman natin na di ito pangmatagalan Dahil mas mangingibabaw ang ating samahan At ng ating pagmamahalan. Kaibigan, pangako sa iyo ay ito lamang Magiging tapat ako magpakailanman At di kita tatalikuran Magkamali ka man, ikaw ay akin lang babatukan Sasamahan pa din kita at di iiwan. Kaibigan ko Ang pagmamalakit at pagmamahal ko sa iyo ay wagas at totoo Saksi ko ang buwan at bituin Sing-lawak ng mga baybayin Na maabot ng iyong paningin. Kailan ba ikaw covid lilisan Pwede ba kami na ay iyong tantatanan Sobrang tagal mo nang dito ay nanahan Aba'y parang awa mo na kami na ay iyong lubayan Di ikaw ang gusto naming makasama Lalo ngayong araw ng kapaskuhan Kundi aming mga kapamilya at kaibigan Sensya na, pero di ka namin kailangan Gusto namin ng kasiyahan Na walang takot at alinlangan Sige na please, ikaw na ay lumisan. ....^•°... Thanks for reading. Keep inspiring. Keep smiling. XOXO, bbghitte
No comments yet