Love is Blind Love is blind nga ba talaga O sadyang martir O sabihin nating tanga na Sorry for the word Pero nakakainis naman talaga Di ko maarok isipin Na kahit anong pangit na ang pinakita Ginawan ka na mismo ng masama Sinabi na halos lahat ng marites Na ganito sya, ganyan sya Wag na lang sya, kaya mo naman mag-isa Pero nagpupumilit ka pa talaga Na ang mga taong nagmamalasakit ng totoo sayo at sa pamilya mo Na sila pa ang nagbago Na wala ka makitang ni isang kapintasan man lang nito Na kapag sinabing nagbago na ko Ni ha, ni ho di ka man lang nagtanong kung totoo ba ito Ni ivalidate man lang di mo ginagawa Yung nakakasakit ka na ng damdamin ng buong pamilya mo Sya pa din ang pipiliin mo Bulag ka ba? Nagngingitngit ang loob ko Dahil madaming nagmamahal sayo ng totoo Yung mga taong di kayang saktan ang damdamin at loob mo Pero ano ba ang pinakain sayo at ang tigas ng loob mo Ang tigas ng puso mo para sa mga taong gusto kang protektahan Dahil ganun ang love Paiiyakin, sasaktan ka oo Pero di ka babastusin May respeto. Love is not blind We just choose to be blind. #bbghitte
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
Love is not blind, being in love is but that rarely lasts long. 🍀♥️