read.cash Log in
b@batanguenaVersion2.0 more from that month

hinagpis

Kung lilisanin ko ang mundo ay puno ng kalungkutan Dala-dala ang hirap na siyang kinagisnan Bawat tahakin hindi mo malaman May bahid ng luha wala nang pagsidlan Sa bawat araw na dumadaan Laging naiisip paano malalampasan Hirap ng buhay paano malulunasan Wala makita sagot akoy naguguluhan Sa aking isipan laging gumugulo Ang dami tanong akoy sadyang nalilito Di maipaliwanag ang daming anggulo Di na mawari bakit ang buhay ay ganito Walang ibang hiling sa bawat araw Aking panalangin nawa ay matanaw Sanay tuparin diyan sa mundong ibabaw Huwag sana umabot sa aking pagpanaw Hinagpis ng buhay ko aking ibinahagi Ito ay dala nang hindi ako mapakali Maraming umaasa sa aking sarili Sa paglipas ng araw akoy nag-aatubili Lahat ng hirap ay kaya ko tiisin Huwag lamang ang akoy mamaliitin Akoy naman may puso at saka may damdamin Prinsipyo at dangal ko di kaya tibagin Marami na karanasan ang aking napagdaanan Puro pasakit at maraming kalungkutan Subalit akoy pinagtibay ng kapighatian Di ako susuko at di aatras sa laban Maaring akoy dukha subalit matatag Ang puso koy sa pagsisikap na di matitibag Kahit madami pagsubok itoy ibabalibag Hangad koy guminhawa ng wala bagabag Aking panginoon aking uulitin Ito aking kahilingan naway iyo dinggin Munting panambitan sikaping tuparin Upang hinagpis tuluyan ko ng limutin.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.