Damdamin
Sa gitna ng pandemya akoy may napuna Isang dalaga na puno ng lungkot ang mata Hirap ipaliwanag ang sarili sa tuwina Laging malungkot at laging balisa Tuwing mamasdan ang kanya sarili Tila may bumabagabag at di mapakali Laging tulala at parang nag-aatubili Gusto ko lapitan akoy magbabakasakali Nang aking tanungin siya tulala pa rin Di masabi ang nais sabihin Tila nangangambang sya ay kutyain Para bang takot ipadama ang kanyang damdamin Wala siya nagawa sapagkat akoy mapilit Wala ako sinayang para di maiwaglit Nais niyang sabihin binitawang pilit Kanya katahimikan lagi kong kinulit Sa aking pagtatanong sya may binitawan Tila nahihiya at ayaw manambitan Gusto ilihim ang kanya nararamdaman Ayaw ipaalam sa kahit na sinuman May lihim na pagtingin sa kanya kaibigan Di malaman kung siya ba papayagan Ipakita at iparamdam sa kanya napupusuan Pilit na pinipigil at ayaw subukan Nang malaman ang kanya hinaing Wala ako magawa kung hindi sundin Ang kanyang kagustuhan na lagi daing Gusto niya makasama sa kanyang piling Wagas daw ang kanya pakay sa kanya iniibig Puro pagmamahal na hindi malulupig Ipaglalaban kahit sino pa mangibig Dahil tunay at puro ang kanya pagibig Tanging payo ko sa dalagang ito Gawin ang gusto basta may plano Huwag magmadali mag-enjoy lang ng husto Di naman masama basta siya limitado Laging tandaan na kahit sino May karapatan magmahal huwag lang todo-todo Baka mapasobra masaktan ng husto Wala masisisi kung hindi sarili mismo Pag-ibig naga naman pag umiral Lahat hahamakin kahit na minsan bawal Tanging masasabe huwag limutin ang pagaaral Ito mas mahalaga dapat ito ang umiral
No comments yet