read.cash Log in
@baabyyros3

Ang almusal ay LABAHAN Sa tanghalian, wala pang ulam Ang meryenda, baka wala naa🎶 - Martyr Nyebera ng Kamikazee Hindi ko talaga alam title nyan, sinearch ko lang hahah wala kasi akong magawa habang nagkukusot sa washing e. Sana e kinanta nyo rin HAHAHA It's LABA DAY!! Naalimpungatan ako kanina bigla akong bumangon dahil naalala ko maglalaba nga pala hahaha alas nuwebe na ko nagising haha buti hindi pinagalitan ni inay hahaha Habang nakasalang pa ang pinapaikot ko sa washing e bumisita muna ko here sa noise.cash haha Ako ang naatasan mag washing ng mga labahin dahil nagtitinda ang inay, buti e may washing machine kami kaya mabilis lang ang salang ng laba pero kami lang ba? Kapag nagwawashing tas pagtapos umikot bago iahon e kinukusot muna? para maging mas malinis diba? At tulad sa ginawa kong lyrics e ang agahan ko nga po e itong labahan dahil ito agad ginawa bukod sa uminom ng tubig na mainit haha yun na wala nang kain kain mamaya na siguro sa tanghalian. Kayo ba mga ka noise naglaba rin ba kayo ngayong araw? Tara na habang maganda pa ang panahon siguradong tuyo ang mga sampay natin hahaha

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.