read.cash Log in
@annyeongkleopatra

Wala ng tayo.

Sa bawat pagtitig kapalit ay kilig. Sa bawat salita kapalit ay saya. Iba ang nadarama lalo na pag lumapit ka. Iba ang ligaya lalo na pag kasama ka. Mga pangakong binitawan, pag-ibig na walang hanggan, maligayang pagsasamahan, salita mong pinaniwalaan. Ngunit bakit tila nagbago? Tila ba kay lupit ni tadhana Bakit pangako'y napako? Tila ba nawalan ng gana. Humingi ng sagot sa bawat tanong na hinuhugot. Humingi ng paliwanag ng pag-iisip ay lumiwanag. Anong nangyari? Hindi ba't masaya naman dati? Hindi ba't sabi mo'y tayo hanggang sa huli? Hindi ba't sabi mo'y hindi iiwan kahit na sandali? Gusto kong kumapit, ngunit hindi na kaya kahit pa sumabit. Gusto kong maniwala, na tayong dalawa ay magiging isa pa. Alam kong malabo na dahil alam kong maligaya ka na, dahil alam kong kuntento ka na, dahil alam kong tayo'y tapos na.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.