read.cash Log in
a@anjhernan more from that month

ilang taon na ang nakakaraan ng maoperahan ako at tanggalin ang aking thyroid dahil sa mga bukol. dinalaw ako ng mga kaopisina ko sa ospital, andami nila, mga lagpas sampu. Halos mapuno na ang kwarto kung san ako nakaconfine. Naabutan nila ang oras ng pagbisita sa akin ng doktor na kasama nya rin ang ilang mga resident doctor ng ospital, mga 5 ata silang biglang pumasok. Habang chinecheck up ako ng aking doktor, walang ano ano ay biglang hinimatay ang isa sa aking kaopisina. Nataranta lahat pati mga doktor, ang daming naglabas ng "white flower" na ointment para magising sya. Haha. Ilang minuto din at natauhan din sya at chineck din ng mga doktor. Ok naman sya . Hindi namin maiwasan magtawanan pagkaalis ng mga doktor. Nataranta daw kase sya sa pagpasok ng madaming doktor at takot pa sya sa dugo kaya sya hinimatay. Haha. Hanggang ngayon, natatawa pa din kami kapag naalala namin ang pangyayareng ito.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.