Sinulit ko talaga ang pahinga ngayong araw na ito. Ilang gabi na rin kase akong kulang sa tulog dahil nagigising ako sa madaling araw dahil sa sobrang kati ng rashes sa tyan ko. Nagkaroon din ako ng sapat na oras para mapanood ang ilang episodes ng "Squid Game". Kakatapos ko lang ng Episode 6. Sari-saring emosyon ang idinulot sa akin ng bawat "game " nila. Hindi ako magsspoil para sa mga hindi pa nakapanood.: Sobrang tawa ko sa 2nd game, pigil hininga naman ako sa 3rd game (lakas ng kaba ko dito.. pramis. pero nagustuhan ko naging "strategy" nila dito, Naiyak naman ako sa 4th game.. pramis.. naappreciate ko talaga tong palabas na to. Dahil dyan, habol ako as player "457". Binigyan na ako jacket. Haha.
No comments yet