Antok na antok ako kanina habang nagttrabaho pagkatapos ng pananghalian. Naalala ko tuloy ang ganitong eksena sa opisina bago ang pandemya. Karamihan sa amin dinadalaw ng antok pagkatapos ng tanghalian mula ala-una hanngang alas-tres ng hapon. Kaya nagiging biruan din namin na "Huwag Sasama Sa Liwanag" ibig sabihin , huwag kang magpadala sa antok. Syempre bawal matulog sa oras ng trabaho.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet