read.cash Log in
@amyfe more from that month

I was so disappointed when my sister-in-laws call my husband yesterday. Tumawag lang sya para mangsisi sa pagkamatay ng papa nila. Naawa talaga ako kay hubby dahil saksi kami ang pamilya kung gaano ka mahal ni hubby yong papa nya at kung paano nya ito alagaan. Mas inuuna pa nga nya ito kesa sa amin. Dalawang taon si papa na nasa amin na hindi makatayo pero kahit maliit lang na bedsores wala si papa dahil maraming beses sa isang araw itong binubuhat ni hubby at pinapaupo sa upuan. Tapos kung makasisi yong kapatid nya wagas. Ilang gabi kaming walang tulog dahil sa ingay ni papa. Naisip ba nya yon? Anong gusto nya mabubuhay yong papa nila na nahihirapan dahil sa karamdaman? Kung namatay man yong papa nila ay dahil time na nya iyon. Palagi ko nga na sinasabi na hindi natin hawak ang buhay natin. Sana naman matanggap na ng kapatid nya iyon. Kung may dapat man siyang sisihin yong sarili nya dahil ilang beses na nagsabi ang papa nya sa kanya na umuwi na para naman makita pa nya na buhay sila pero anong ginawa nya hindi man lang nya pinagbigyan yong papa nya. Nasasaktan talaga ako. Alam ko pati si hubby nasasaktan din.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.