Nilipad ng bagyong odette ang bobong namin, hay! But thanks to God na walang nangyaring masama sa amin. Nagpasalamat talaga ako sa kapitan namin dahil ipina rescue nya kami kahit ang lakas na ng hangin at nagliliparan na ang mga bobong. Hindi kasi nag evacuate dahil ayaw ni hubby na iwan ang ama nya na nasa kabaong. Pero noong natanggal na ang pader ng bahay namin pumayag na si hubby na mag evacuate kami pero nagpaiwan sya sa bahay. Grabe yong iyak ng mga anak ko at…
@amyfe in January 2022
Memeng is safe😍. God protected them also. He was mesmerizing😅. Ang laki ng pagbabago sa amin. Nasira yong kusina namin nilipad ng bagyong odette. Eh si memeng dyan palagi natutulog sa kusina kaya pagkatapos ng bagyo bumalik sya sa kusina kaso sira na.
All is well..... Thanks be to God........ This is what happened to our house. Buti nalang yung trapal na pinahiram ng barangay ay hindi nasira ng tuluyan. So blessed
Time to sleep na. Wala pa din kaming electricity, naputol kasi yong wire kailangang palitan. Sayang kasi sa lugar namin ay may liwanag na, sa amin wala pa. Mahirap lang kasi but still, I am positive na dadating din ang araw na makabili kami ng wire pampalit sa mga naputol na wire. God is great, He is good and kind. Meet when I was a kid😅. This was the time I was always positive in life. Well, until now I am positive but there are moments na nawawalan din ako ng pag-asa but…
This was the last day na masigla pa si ate Marites, pagkatapos ng bagyo. Rest in peace ate Marites............ She is diabetic kasi tapos nakatamak sya ng pako habang naglilinis ng bahay nila dahil sa bagyo. Nakakalungkot man pero hindi tayo ang may hawak sa ating buhay.
Have you heard the song " 'Till the storm passes by"? Noon hindi ko masyadong na feel yong kanta pero noong tinamaan kami ng bagyong Odette doon ko pa na feel na tagos talaga sa puso yong kanta. I'm always singing it while watching our places, the damages.
Time run so fast. It is already 6:10 in the evening. Haponan na. Mabuti nalang ala singko palang ng hapon ay nakasaing na ako ulam nalang ang kulang.
Time to sleep....... Dumating na ang labi ni ate Marites pero nahihiya akong pumunta doon kasi ang daming tao. Ewan ko ba parang matutunaw ako kapag maraming tao at hindi ko kakilala. Maiintindihan siguro nila. Maghahanap muna ako ng makakasama para naman hindi ako mahiya. Nighty night noisers.... Your chubby noiser signing off....
True Friends will always be friends kahit magkalayo pa man sila. Ang ganda lang tingnan ang ganitong pagkakaibigan kapag nagkasama ay napakasaya.
Dahil tapos na ang vacation nila, module na naman. Hindi kasi sya na ka pass last schedule dahil na busy ako sa kalalakad sa papeles ng in laws ko para malibing ito at dumating din si bagyong odette. Kaya ngayon heto kami ngayon ng anak ko busy sa module para ma pass bukas.
God is good.... Good morning noisers. Hirap maghanap ng signal. Minsan nasa labas lang ng bahay, minsan naman malapit sa dalampasigan. Hindi pa kasi totally okay ang lahat pero unti unti naman kaming bumabangon dito sa Cebu. By God's grace.
I was so disappointed..... Itong dalawang ito ay nagkakahalaga ng 15 pesos. Grabe naman ang mahal. Bali 10pesos yong sili tapos yong isa ay 5pesos. Ganon na ba talaga ka gold ang mga bilihin ngayon?
Hu! Sakit na ng kamay ko sa kapuputol para sa aming panggatong. Pero okay lang para naman sa amin ito😊. So happy na naayos na ni hubby yong lutuan namin. Nilipad kasi ni bagyong Odette yong lutuan namin pero ngayon nakagawa na ulit si hubby. Marami na din kaming panggatong dahil sa marami yong punong naputol dahil kay bagyong Odette. God is good....... Happy Sunday noisers.
A very hot afternoon noisers. Hanggang ngayon hirap pa rin kami sa signal dito. Pero I am still thankful to God that we are safe. Just a glimpes of my youth. Nakakamiss din palang maging youth noisers. Walang masyadong sakit na nararamdaman. Di ba?
I was so disappointed when my sister-in-laws call my husband yesterday. Tumawag lang sya para mangsisi sa pagkamatay ng papa nila. Naawa talaga ako kay hubby dahil saksi kami ang pamilya kung gaano ka mahal ni hubby yong papa nya at kung paano nya ito alagaan. Mas inuuna pa nga nya ito kesa sa amin. Dalawang taon si papa na nasa amin na hindi makatayo pero kahit maliit lang na bedsores wala si papa dahil maraming beses sa isang araw itong binubuhat ni hubby at pinapaupo sa…
Sunset is always beautiful..... Noon hanggang ngayon sunset is my favorite. Ewan ko ba ang ganda talagang tingnan ng sunset. Parang hinuhupay nya yong mga problema ko. Nakakawala sya sa problema.