Good evening mga kaingay. Kaya ngayon lang uli ako nakapag-reply at post ay dahil nagkayayaan ng biglaan kaming magkakaibigan. Sumaglit kami sa beach house ng kaibigan namin sa Batangas. Overnight sana ang plano pero dahil yun iba may pasok ngayong gabi at yun iba bukas, napagkasunduan din namin umuwi. Babalik na lang kami pag maayos na ang schedule ng lahat. Yun mga di planadong lakad talaga ang natutuloy. Di man lang kami nakapagswimming. Mas pinili namin mag-archery at shooting range. Syempre may konting inuman at sandamakmak na kantyawan at asaran. Di na ako nag-abalang magvideo o kumuha ng pics pero sobrang ganda kasi kaninang dapit hapon kaya kinuhanan ko ito ng picture. San nyo balak pumunta pag natapos na ang pandemyang ito?
No comments yet