Share ko lang. Nag-ayos ako ng cabinet ko at madami-dami na din akong mga damit na di ko nasusuot. Maayos pa naman ang mga ito. Dahil na din sa pandemic kaya halos ang suot ko lang sa bahay ay shorts at jerseys. Minsan tshirt na pambahay talaga. Di naman ako kailnagan naka-on cam habang nagtratrabaho. Bibihira din ako lumabas at pag nasa labas, madalas shorts at tshirt lang ang suot ko. Naisipan ko na ipunin yun mga maayos ko na damit na di na sinusuot at ibigay dun sa naglalako ng taho dito sa amin. Halos tatlong dosenang pinagsama-samang tshirt, polo shirts, at pantalon ang naiabot ko sa kanya kanina. Natuwa naman si tatay. Sana makatulong sa kanya yun mga binigay kong damit. Sabi niya ay pagpipilian nilang mag-anak yun mga binigay ko. Iba din talaga ang pakiramdam ng nakakatulong. Kaya kung may gamit kayo dyan na hindi nyo na kailangan at maayos pa naman, ibigay nyo sa iba na magagamit ito at mapapakinabangan.
No comments yet