Peace sa lahat! Bakit kung kelan walang pasok tsaka maaga nagigising? Usually buzzer beater ang paggising ko sa umaga para sa shift ko. Buti na lang wfh ako kaya kahit 15 minutes bago magsimula ang shift ko ok lang. Ngayon holiday, aba, 5:45am pa lang gising na ako. Nakatulog naman ako uli pero paputol-putol. Bumangon ako ng 9:00am para mag-prepare na. May meeting lang ako ng 10:00am, pagtapos nito errands na ang haharapin ko. Ano ba plano nyo ngayong holiday mga ka-ingay?
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
Marami pong plano kaso po mahirap pa gumalaw sa ngayon gawa ng covid. Sa amin po tataas bababa ang kaso ng virus kaya ayun po di makabalik sa dati ang pamumuhay.
Totoo, madaming plano ang naantala dahil sa pandemyang ito.