ANG MGA SARI SARING PUNO SA AMING BAKURAN Kung sa bahay Kubo ay may sari saring gulay , Dito sa aming BAKURAN at meron Naman Kaming mga puno ng iba't ibang prutas. Dito sa amin sa probinsiya kahit paano ay may mga tanim kami ng punongkahoy ng mga prutas. At Ngayon nga ay nangahihinog na Ang mga bunga ng sampalok. Mayroon Kaming puno ng sampalok na matamis at meron ding maasim. Dahil mahangin ung mga nangahinog na ay nalalaglag at pinupulot na lang Namin. Di Naman Namin masungkit o kaya ay maakyat Ang mga bunga dahil mataas . Masarap Siyang gawing tamarindo. Ito Ang tawag Namin sa hinog na sampalok na niluto sa glutinous rice na may gata. Ang puno din ng aming kaimito ay nahihinog na rin Ang bunga. Buti na lang at merong sanga na mababa lang at pwedeng sungkitin. Malaki Ang bunga at matatamis, masarap na panghimagas. Meron din Kaming puno ng Indian mango pero sa TaaS ng puno di ko pa gaanong kita Ang mga bunga . Pero merong mga bunga na nalalaglag dahil sa lakas ng hangin. Meron din Kaming bayabas na di na kailangang akyatin para pitasin Ang bunga. At meron din Kaming puno ng saging na Saba na merong bunga na hihintayin pang maglaman at mahinog. Marami ring puno ng papaya na basta lang tumubo sa paligid ng bahay at may bunga na rin na pahinugin. Meron ding puno ng chico na may mga bunga rin na hinihintay pang lumaki at mahinog. Meron din ilang puno ng niyog na pinagkukunan Namin ng buko. Marami pa sanang pagkukunan ng prutas tulad ng sinigwelas, at santol kaya lang ay tinumba ng malakas na bagyong signal number 4 noon. Yung puno ng Mabolo at puno ng guyabano ay pinutol na lang dahil malapit sa bahay at naaapektuhan Ang bubong ng bahay. Mga batang maliliit pa lang kami ay Sagana kami sa mga prutas at ngayong may edad na ay meron pa ring pinagkukunan. Mga tanim pa ito ng mga yumaong magulang Namin.
2 comments
Wow! Sampalok! Kami naman po ay may tanim na sampalok kaya lang di naman namumunga same ng carabao mango namin. Bata pa lang ako malaki na yung carabao mango at sampalok namin pero hanggang ngayon di pa din na mumunga.
Nakapagtataka naman. Mga ilang years na rin ba ung puno ng sampalok at mangga nyo?