read.cash Log in
@alicia1954 edited

Ang Malambing na Pusa Merong malambing na pusa Ang kapatid ko. Tatlong kulay Ang balahibo Niya, white, black and orange. Pag naka upo sya sa rocking chair , uupo ito sa kandungan nya. Nung nanganak Ang ibang pusa nila lumipat sya sa amin dahil dalawa lang ang pusa sa amin. Ngayong umaga habang nasa may kusina sa labas ako nandon din ang kapatid ko at naupo saglit . Nadon din ung pusa at kumalong sa kanya. Nang umalis kapatid ko di sya sumama. Pumasok sya sa loob ng bahay Namin. Nasa sala ako at nakaupo. Bigla syang kumalong sa akin na di Naman nya karaniwang ginagawa. Sabi ko sa isip ko siguro giniginaw Kasi nakataas mga balahibo Niya. Hinayaan ko lang Siya at hinaplos ko Ang balahibo. Lalo Naman siyang nagsumiksik. Giniginaw nga sya dahil maulan sa amin Ngayon, kaya malamig ang paligid. Di ako mahilig sa pusa , pero pag merong pusa di ko Matiis na di sila alagaan o kupkupin din.

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.