read.cash Log in
@alicia1954

SALUDO AKO Sa bawat araw, Umaga, tanghali at gabi , pangkaraniwang iniisip ng mga nanay Ang ulam. Hindi pwedeng mawala sa isip Ang pagkain, ulam man o merienda dahil Tayo ay nakakaramdam ng gutom. Magtrabaho ka man o hindi Tayo ay nakakaramdam ng gutom at nanghihina pag hindi nakakain. Kaya Naman pinaka malaki na yatang budget Ang nakalaan sa pagkain. Hindi lang Kasi tatlong beses sa Isang Araw Ang kain. Ung iba 5 beses o higit pa ang kain, dahil sa mga meryenda. Isa talagang malaking intindihin ito ng mga nanay. Kanya kanya na lang diskarte kung paano pagkasyahin Ang budget sa pagkain Araw Araw. Saludo ako sa mga nanay na mahusay mag budget at magluto para sa pamilya at ekonomiya. Ano na Ang naihanda mong pagkain kaibigan ? Swak ba sa budget at magugustahan ba ng lahat sa pamilya? Ngayon meron na akong pananghalian at pang hapunan na rin. Ang Dami Kasi ng binigay ng kapatid ko na ginisang ampalaya sa itlog at kamatis. Ako lang Kasi mag isa Ang kakain. Iba Naman sa anak ko, ayaw Kasi ng ampalaya nun.

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.