read.cash Log in
@abrilata

Sa taong hindi ko pa nakikilala

Matagal na akong sumusulat ng tula para saiyo Ngunit hindi kita kilala. Nais kitang masilayan bago pumikit anga king mga mata. Dahil ang oras ay may katapusan. Hindi ako habang buhay makapagsusulat ng mga kataga at hindi rin ako habang buhay mananatili sa mundo. NASAAN KA? Huwag mo'ng ilisan ang paglalakad Dahil baka sa mali'ng direksyon ka mapunta. Nandirito ako sa dulo. Nag-aabang ng pagkatok mo sa aking pintuan. Ngunit kung sakali'ng hindi ka dumating bago magtakipsilim, Maghihintay parin ako. Dadalhin ko na ang lampara, kumot at unan. kung sakaling hindi ka makarating, Ayos lang, magdadala ako ng kape, Magdadala ako ng balabal. At kung hindi ka parin makakarating bago pa pumuti ang aking mga buhok, AYOS LANG. kukulayan ko muli ng itim ang bawat hibla, maglalagay alo ng kolorete sa mukha. Para maabutan mo manlamang ako'ng maganda at kaakit-akit kahit na saglit lamang. At kung hindi ka parin dumating, bago ako dalawin ng panghabang-buhay na himbing, AYOS LANG. Dahil nagawa ko'ng magsulat ng maraming tula para saiyo. Ayos lang dahil nagawa ko ito'ng mag-isa Ayos lang kasi nagawa ko'ng maghintay Ayos lang kasi nagawa ko'ng hintayin ka. Kahit pa alam ko'ng naghihintay ako sa taong hindi ko pa nakikilala. 3am: mga kataga na kabilang sa aking lumang pahina na nooy nailimbag bunga ng paghahanap sa taong hindi ko pa nakikilala. ilang taon nang ligaw ang aking puso at hindi ko namalayan na nasa tabi ko lamang pala yung matagal ko nang hinihintay. Alam kong hinintay mo rin ako hindi lang sang ayon ang tadhana sa ating dalawa. at kahit pa natagpuan na natin ang isa't-isa, hindi parin mawawala ang takot na baka bukas makalawa--- maglaho ang iyong pag-ibig at maging masaya ka sa kanlungan ng iba. -abrilata

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.